|
Menu
|
|
|
Social
|
|
|
|
Paglisan
Contributed by
Nelly
on
Sunday, 19th September 2004 @ 06:41:43 PM in AEST
Topic:
SadPoetry
|
Ano pa ba ang nalimutan kong iimpake?
Kumpleto na ang mga damit.
Kumpleto na ang mga aklat,
Personal na kagamita’t abubot.
Nasa bag na lahat.
Ano pa ba ang nakalimutan kong iimpake?
Alam ko na.
Alaala.
Mga kaibîgang nakasanayan nang kasama
Sa hirap, sa ginhawa.
Mga kâibigang muli’t muling inaalala
Binabalikan, kahit kasawian.
Karanasan.
Sa paaralan, magkakasama, tulung- tulong
May bonding, masarap ulitin.
Sa mall, kung saan-saan, kahit walang patutunguhan
Sama-sama, tsikahan.
Kailangan pa ba silang iimpake?
Hindi na yata. Hindi na. Nasa puso’t isipan ko naman sila lagi eh.
Kung gusto kong matawa
Kung gusto kong maiyak
Kung gusto kong ngumawa
Kung gusto kong humalakhak,
Nariyan sila. Narito.
Ano pa ba ang nalimutan kong iimpake?
Wala na.
Kumpleto na ang lahat ng dadalhin ko.
Aalis na ako.
Umaasang babalik
Upang muling
Makapiling.
Babalik!
Copyright ©
Nelly
... [
2004-09-19 18:41:43] (Date/Time posted on
site)
Advertisments:
|
|
|
|
|
Sorry, comments are no longer allowed for anonymous, please register for a free membership to access this feature and more
|
|
All comments are owned by the poster. Your Poetry
Dot Com is not responsible for the content of any
comment. That said, if you find an offensive comment, please
contact via the FeedBack Form with details, including poem title
etc.
|
|
|
|