|
Menu
|
|
|
Social
|
|
|
|
Walang Hanggang Paalam
Contributed by
Nelly
on
Sunday, 19th September 2004 @ 06:37:42 PM in AEST
Topic:
LovePoetry
|
Ang una’y nakupasan na ng panahon.
Ang huli’y, kailan nga ba’t, hindi ba ngayon?
Ilang ulit na rin
ang mga paalam natin.
Mga paalam na muli’t muli
nananakit,
paulit- ulit
ngunit
kailanma’y hindi nakamamanhid
sa damdaming sawi
sa isipang lunod sa iyong alaala
sa pusong gutom
sa katawang hindi minsan makabata.
Nagsawa na ba ako?
Hindi kung sa pagdadalamhati,
sapagkat alaala mo ang sanhi.
Ano man ang bunga sa aki’y
hindi ko pinipili.
Lungkot at saya.
Minsa’y pagsisisi.
Madalas ma’y kamatayan,
tinitiis ano man.
Alaala mo iyan.
Ilang paalam na nga ba ang binitawan?
Ilang ulit na bang sa aki’y kamatayan?
Kailan ang huling paalam?
Kailan wawakasan ang atin bang nasimulan?
Sa huling ito na pagkikita,
muling namasdan ang hiyas mong mukha.
Ang ngiti mong sa lahat ay dakila.
Kahit na
dahil marahil sa kaniya
na bago mong nakita.
Napakadakila.
Langit sa akin.
Salamat, gayunpaman.
Paalam.
Ito’y walang hanggan.
Paalam.
Walang hanggang paalam.
Copyright ©
Nelly
... [
2004-09-19 18:37:42] (Date/Time posted on
site)
Advertisments:
|
|
|
|
|
Sorry, comments are no longer allowed for anonymous, please register for a free membership to access this feature and more
|
|
All comments are owned by the poster. Your Poetry
Dot Com is not responsible for the content of any
comment. That said, if you find an offensive comment, please
contact via the FeedBack Form with details, including poem title
etc.
|
|
|
|